Makakaharap ng Philippine Women’s Football Team ang football team ng Australia sa 2022 AFC Women’s Asian Cup na gaganapin sa India.
Sa isinagawang draw ng FIFA, kabilang sa group B ang Pilipinas na nasa 11 ranking kasama ang Indonesia at Thailand.
Binubuo naman ang group A ng mga bansang India, China, Chinese Taipei at iran.
Habang kasama naman ng defending champion na Japan ang South Korea, Vietnam at Myanmar sa hanay ng group C.
Matatandaang na-sweep ng Team Philippines ang Asian Cup Qualifiers nuong nakaraang buwan sa Tashkent, Usbekistan kung saan tinalo nila ang Nepal at bansang Hongkong.