Nasabat ng mga otoridad ang higit tatlong milyong halaga ng hinihinalang shabu matapos ang ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.
Ayon sa PDEA-NCR, inaresto ang isang 27 anyos na residente ng Tondo na itinuturing na high-value target ng ahensiya dahil sa pagbabagsak ng ilegal na droga sa Maynila at Camanava.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.—mula sa ulat ni Airiam Sancho