Inanunsyo ng Malacañang na mananatili sa Alert level 3 ang National Capital Region at iba pang lugar mula Nobyembre 1 hanggang 14.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga establisyimento sa ilalim ng Alert level 3 kabilang ang mga restaurants, gyms at mga sinehan ay papayagang magbukas ng 30% sa indoor capacity habang 50% sa outdoor capacity para sa mga kumpleto na ng bakuna.
Pinayagan din aniya ng gobyerno na taasan sa 70% ang kapasidad para sa mga pampublikong sasakyan. —sa panulat ni Airiam Sancho