Lilimitahan na ng Comelec ang pagsasagawa ng harapang pangangampanya sa 2022 national at local elections sa gitna pa rin ng Covid-19 pandemic.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, i-babase ang bilang ng mga indibidwal na mangangampanya sa quarantine classification ng isang lugar.
Binabalangkas na aniya nila ang guidelines na ilalabas para sa pangangampanya sa 2022 polls.
Samantala, mayroon lamang 90 araw na campaign period ang inilaan para sa mga kandidato sa national elections, mula Pebrero 8 hanggang Mayo 7 sa susunod na taon.
45 araw naman ang inilaan para sa mga kandidadto sa local polls, mula Marso 25 hanggang Mayo 7, sa taong 2022. —sa panulat ni Drew Nacino