Pinag-aaralan na ang paggamit sa parehong Covid-19 vaccine brands para sa pagtuturok ng booster shots.
Batay ito sa rekomendasyon ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) at all expert group panel na “homologous” vaccination scheme.
Ayon kay Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, Jr., kung ano ang natanggap sa 1st at 2nd dose ay ito na rin ang ituturok sa 3rd dose o tinatawag na booster shots.
Mayorya aniya ng mga bakunang maaaring iturok bilang booster shot para sa mga healthcare workers ay Sinovac at AstraZeneca.
Una nang inaprubahan ng Department of Health ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na bigyan ng booster shots ang mga fully vaccinated healthcare worker.
Samantala, sinimulan na ng DOH ang pagproseso ng EUA para amyendahan ang iba’t-ibang vaccine brands na gagamitin bilang booster shot. —sa panulat ni Drew Nacino