Dapat patuloy na ipaalala sa mga botante na isang krimen ang vote buying at vote selling.
Ito ang inihayag ni Senator Koko Pimentel upang matigil ang vote buying at mapigilan ang publiko na magbenta ng kanilang boto.
Ayon kay Pimentel, ang vote buying ay krimen na mahirap patunayan kaya’t ang paulit-ulit na paalala sa publiko ang tamang paraan upang matigil ito.
Hind rin anya dapat masangkot ang mga botante sa vote buying dahil isa itong paglabag sa batas.
Hinimok naman ng senador ang publiko na gamitin ang konsyensya sa pagboto at bumoto alinsunod sa mga issue. —sa panulat ni Drew Nacino