8 buwan bago matapos ang termino, bumaba ng 10 puntos ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa survey ng Social Weather Stations, noong Setyembre.
Lumagpak sa 52% ang net satisfaction rating ng pangulo noong isang buwan kumpara sa 62% noong Hunyo.
Sa kabila nito, itinuturing pa rin ng SWS na “very good” ang ratings ni Pangulong Duterte.
Sa September 12 to 16 survey sa 1,200 adult respondents, 67% sa mga ito ang kuntento sa pamumuno ng pangulo; 15% ang hindi kuntento habang 11% ang undecided.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mababang satisfaction rating ni Pangulong Duterte simula June 2018. —sa panulat ni Drew Nacino