Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang 103 pagyanig ng bulkang Taal sa Batangas sa loob ng 24 na oras.
Kabilang dito ang 21 pagyanig na tumatagal ng isa hanggang dalawang minuto.
Samantala, naitala ang halos anim na libo (5,943mt) metriko tonelada ng sulfur dioxide na ibinuga ng naturang bulkan kahapon.
Patuloy naman ang pagbuga nito ng makapal na usok na may higit isang libong metro (1,200) ang taas. —sa panulat ni Airiam Sancho