NAGSAGAWA ng protesta ang ilang militanteng grupo sa isang restoran sa New York City bilang pagpapakita ng pagtutol sa nominasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa International Law Commission o ILC.
Kabilang sa mga lumahok sa pagkilos ay ang mga miyembro ng Bayan USA at iba pang mga kaalyadong organisasyon na inilarawan si Roque bilang ‘cheerleader’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng madugo nitong giyera kontra droga,
Bagama’t naitaboy ng mga security personnel ang mga raliyista, sinasabing dalawang matatandang waiter ang nasugatan habang may mga nasira ring ari-arian dahil sa insidente.
Si Roque ay isa sa 11 indibidwal na nominado para sa puwesto sa ILC.