Naitala ang pinakamataas na bilang ng bagong namatay sa COVID-19 sa bansa, kahapon.
Batay sa case bulletin update ng Department of Health, umabot sa 423 ang pumanaw kaya’t sumampa na sa 43,044 ang death toll.
Sa mga bagong kaso naman, nakapagtala ng 4,008 cases habang 6,887 ang bagong recoveries.
Umabot na sa 2,783,896 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa habang sumampa na sa 2,693,162 ang gumaling.
Sumadsad naman sa 47,690 ang aktive cases, na pinaka-mababang bilang ng aktibong kaso sa nakalipas na tatlong buwan.
Samantala, apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 document repository system. —sa panulat ni Drew Nacino