472 Port Projects na ang nakumpleto ng Department of Transportation at Philippine Ports Authority sa loob ng limang taon.
Ayon kay DOTR Sec. Arthur Tugade, ang mga naturang proyekto ay nag-resulta sa mas maayos na pagbiyahe sa buong bansa at nagkaroon ng malaking pagbabago sa seaports na malayo sa sitwasyon noon.
Kabilang aniya sa mga proyektong nakumpleto ang Port of Cagayan de Oro, pinakamalaking port passenger terminal building sa buong bansa; Ports of Ormoc; Borac; San Fernando at Bataraza sa Palawan;
Port of Opol sa Misamis Oriental; Port of General Santos; Port of Dumaguete; Port of Currimao sa Ilocos Norte; Port of Dumaguete at Babak Port sa Davao del Norte.
Ilan naman sa malalaking proyektong kailangang kumpletuhin bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Port of Calapan sa Oriental Mindoro, na kayang mag-accommodate ng 3,500 passengers. —sa panulat ni Drew Nacino