Inulan ng batikos mula sa LGBT netizens ang action star na si Jeric Raval.
Ito’y makaraang ihayag ng aktor ang kanyang patutol sa same-gender marriage dahil wala aniya nito sa Bibliya.
May mga nagpatutsada kay Jeric habang ang ilan ay ang anak nitong si AJ ang pinagbalingan.
Una nang inihayag ng beteranong artista na bilang kristyano ay susundin lamang niya ang nakasaad sa bibliya na lalaki at babae lamang nagpapakasal.
Gayunman, may ilang mambabatas sa bansa ang nagsusulong ng Same-Sex Union dahil hindi na umano ito usapin ng relihiyon kundi ng karapatang pantao. —sa panulat ni Drew Nacino