Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang clearing operations sa Mabuhay Lanes ngayong araw.
Ayon sa MMDA, layon nitong maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Bubuksan sa mga motorista ang mga alternate routes patungo sa mga pangunahing kalsada sa EDSA.
Nangangahulugang mula alas -6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga ay bawal ang pagparada ng mga sasakyan sa Mabuhay Lanes.
Una rito, pinaalalahanan na ng MMDA ang mga may-ari ng mga pribadong sasakyan na tanggalin ang mga nakaparada nilang sasakyan sa Mabuhay Lanes upang lumuwag ang daloy ng trapiko.
By Ralph Obina