Kapwa naniniwala ang militar at pulisya na isang malaking dagok para sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang pagkakapatay kay George “Ka Oris’ Madlos.
Si Madlos, na tagapagsalita ng National Operations Commmand ng NPA ay napatay ng mga awtoridad nitong Sabado kasunod ng sumiklab na bakbakan sa Impasugong, Bukidnon.
Ito ang dahilan kaya’t ipinag-utos ni Philippine National Police o PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ilagay sa heightened alert ang pulisya upang sagkaan ang posibleng paghihiganti ng mga rebelde.
Kasunod nito, pinapurihan ni Eleazar ang mga counterpart nila sa Armed Forces of the Philippines o AFP sa matagumpay nilang operasyon katuwang ang mga elemento ng pulisya.—sa panulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)