Aabot sa 100 katao ang nawawala matapos gumuho ang isang luxury residential high-rise na nasa ilalim ng konstruksyon sa Lagos, Nigeria.
Ang nasabing pagguho ay nagresulta ng pagkulong sa mga construction worker sa ilalim ng isang tumpok ng konkretong mga durog na bato, ayon sa mga saksi.
Ayon sa isang news website na nakabase sa US kilala ang Nigeria, bilang pinakamataong bansa sa Africa, kung saan madalas rin ang mga pagguho ng gusali rito dahil ang mga materyales sa konstruksiyon ay kadalasang mababa sa pamantayan o substandard.
Nasa 22 ang palapag ng gumuhong gusali ayon sa estado ng pamahalaan ng Lagos. Sa ngayon inaalam pa ng awtoridad kung nagkaroon ng iba pang pinsala sa mga kalapit na gusali. —sa panulat ni Joana Luna