Susuportahan ng Philippine College of Physicians (PCP) ang pagbababa ng Alert level sa National Capital Region (NCR) mula Alert level 3 patungong Alert level 2 dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.
Sa isang panayam, pinaalalahanan ni PCP President Dr. Maricar Limpin ang publiko patungkol sa pagsunod sa minimum health protocols sakaling ibaba ang Alert level sa NCR.
Nagpahayag din ng pag-aalinlangan si Limpin sa hakbang ng Department of Transportation na payagan ang hanggang pitumpung porsiyento na kapasidad ng mga pampublikong sasakyan lalo pa’tmakokompromiso ang social distancing na nagpapataas ng panganib para sa impeksyon.
Pinuri rin ni Limpin ang hakbang ng gobyerno na alisin ang mga plastic barrier sa loob ng mga PUV, at sinabing hindi ito kailangan. —sa panulat ni Joana Luna