Ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level status sa Iraq sa gitna ng bumubuting seguridad sa bansa.
Ayon sa DFA, ibinaba ang alert status sa level 3 o voluntary repatriation mula sa level 4 o mandatory repatriation ng overseas Filipino workers (OFW) dahil sa apela ng mga manggagawang Pinoy sa Iraq.
Naglabas na rin ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board ng resolusyon kung saan naka-bukod ang mga pabalik na OFW sa Iraq mula sa deployment ban, sa ilalim ng ilang kondisyon.
Enero noong isang taon ipinag-utos ng DFA ang mandatory repatriation ng mga OFW sa Iraq dahil sa tensyon sa Middle East matapos mapatay ang top Iranian military commander na si Qasem Soleimani, sa isang airstrike na inilunsad ng US. —sa panulat ni Drew Nacino