Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC summit sa New Zealand.
Ayon kay Roque, sa pamamagitan ng video conferencing makadadalo si Pangulong Duterte sa magaganap na summit sa Nobyembre 12, 2021.
Kasama anya sa schedule ng Pangulo ang pagdalo sa opening at closing ceremonies ng APEC 2021.
Inaasahang tatalakayin sa APEC ang recovery ng bawat bansa mula sa COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat ni Jenny Valencia Burgos (Patrol 29)