Muling nanawagan ang mga senador sa PhilHealth na bayaran na agad ang mahigit 20 billion pesos na utang sa hospital claims.
Ito’y makaraang magbanta ang mga ospital na tuluyan nang kakalas sa PhilHealth sa oras na hindi maibigay ang reimbursement claims.
Ayon kay Senador Grace Poe, dapat nang umaksyon ang PhilHealth upang maiwasang ma-kompromiso ang healthcare system ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa panig naman ni Senator Sonny Angara, iginiit nitong walang rason ang PhilHealth para baliwalain ang utang dahil hindi pa rin nawawala ang pandemya.
Ganito rin ang sentimyento nina Senators Risa Hontiveros at Imee Marcos kasabay ng kanilang apela sa mga pribadong ospital na tiyakin ang access ng publiko sa abot-kayang healthcare.
Samantala, ibinabala ni Marcos na maaaring mawala ang layunin ng Universal Health Care Act at mismong PhilHealth kung kakalas ang mga ospital at hindi na mag-renew ng accreditation sa susunod na taon. —sa panulat ni Drew Nacino