Lalarga na simula ngayong araw ang Nationwide Pediatric Vaccination o ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang ito sa naging resolusyon ng Inter Agency Task Force (IATF), noong Huwebes.
Bahagi anya ang resolusyon o ang “Vaccination Roll-out For The Rest Of The Pediatric Population” na maabot ang 80% ng target na populasyon bago matapos ang taon.
Una nang sinimulan noong Oktubre 15 ang pagbabakuna sa mga menor de edad na may comorbidities. —sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Drew Nacino