Tanging ang Catanduanes, Benguet, Ifugao, Negros Oriental, at Santiago City sa Cagayan Valley ang nananatiling nakasailalim sa COVID-19 Alert level 4.
Ayon sa Department of Health, ang Catanduanes ay nasa high risk classification sa COVID-19 transmission habang ang apat na iba pang lugar ay nasa moderate risk.
Ang mga lugar na inilagay sa Alert level 4 ay mayroong moderate hanggang sa high-risk sa COVID-19 transmission at ang healthcare capacity ay mas mataas sa 70 percent batay sa metrics ng DOH.
Kasalukuyang nakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang catanduanes habang pinaiiral naman ang General Community Quarantine with Hightened Restrictions sa Santiago City, habang ang Benguet at Ifugao ay nakasailalim sa GCQ.
Ipinatutupad naman ang Alert level system sa Negros Oriental.
Samantala, sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemiology Bureau, na sa ngayon ay karamihan sa mga lugar sa Pilipinas ay nasa ilalim ng Alert level 2. —sa panulat ni Hya Ludivico