Pansamantala munang hindi makakalaro ang Cleveland Cavaliers Power Forward na si Kevin Love matapos isailalim sa seven days quarantine isolation makaraang maexpose sa isang nagpositibo sa COVID-19.
Hindi naman nabanggit kung nagpositibo sa COVID-19 si Love na isang off bench player ng Cavs na may average na 9.9 points at 7.3 rebounds at may average career-low na 20.7 minutes sa kada game.
Sa kabila nito, sinabi ng NBA na ang mga fully vaccinated na manlalaro na naexpose sa mga nagpositibo sa COVID-19 ay hindi na nirerequire na sumailalim pa sa quarantine isolation sa halip ay isailalim na lamang sila sa COVID-19 seven days testing. —sa panulat ni Angelica Doctolero