Nanawagan ang grupong Sinag sa pamahalaan na dapat ay magbigay ng subsidiya para sa mga fertilizer at suspindehin ang Excise Tax sa produktong petrolyo upang makontrol o maiwasan ang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng langis.
Ayon kay Sinag Chairman Rosendo So, nagkakaroon ng chain reaction sa nangyayaring taas-presyo sa mga pamilihan sa Metro Manila dulot ng excise tax dahilan para tumaas din ang transport at production cost sa mga produkto.
Dahil dito, dumudoble ang nagiging gastos ng mga raisers o mga nag-aalaga ng mga baboy, manok at isda.
Sinabi naman ni Agriculture Undersecretary Fermin Adriano, mas maganda umano kung bawasan nalang o babaan nalang ang exicise tax sa halip na suspendehin ito.
Ayon sa DA, plano nilang lagyan ng suggested retail price ang agricultural inputs upang hindi gaanong lumaki ang production cost ng livestock raisers.
Makikipag-usap din ang DA sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Department of Energy na bigyan ng diskuwento sa krudo ang mga mangingisda dahil malaki ang kanilang gastos sa mga bangka pagdating sa paghuli ng mga isda. —sa panulat ni Angelica Doctolero