Nagpatupad ng “No Permit, No Service” ang Philippine Ports Authority (PPA) sa lahat ng pantalan sa bansa.
Sa nasabing implementasyon, ipagbabawal na o hindi na papapasukin sa mga pantalan partikular sa South Harbor at Manila International Container Terminal sa Port of Manila ang mga truck driver na walang permit.
Base sa PPA Memorandum Circular No. 19-2021 na nag-o-obliga sa mga trucking operators na kumuha muna ng certificate of accreditations at permit to operate para sa lahat ng service providers, kasama na ang mga truckers na nag-o-operate sa lahat ng ppa Terminal sa buong bansa.
Ayon sa ilang mga truck driver, hindi na bago sa kanila ang naturang panukala dahil taon-taon naman umanonire-renew ang mga permit para makapasok sa pier.
Sa datos ng PPA, hanggang sa huling araw ng Oktubre ay umabot sa 75% na mga trucking operators sa Port of Manila ang nakasunod na sa accreditation at permit requirements. —sa panulat ni Angelica Doctolero