Ipinagmalaki ng Department of Health (DOH) ang nakuhang global ranking ng Pilipinas sa World Health Organization Global dashboard ng COVID-19 cases.
Sa Talk to the People, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque the third na isa itong patunay na nag-improved na ang COVID-19 response ng bansa.
Aniya naging mas mababa ang ranking ng Pilipinas na ibig sabihin ay mas naging maganda na ang pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic kumpara sa ibang bansa na nasa itaas pa rin na pwesto.
Ikinumpara ng kalihim ang ranking ng Pilipinas noong kasagsagan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa noong September 6 hanggang 12 at sa ranking na nakuha ng Pilipinas nitong November 1.
Sa kasalukyan, nasa ika apatnapung pwesto sa buong mundo habang ika-apat naman sa ASEAN Region ang Pilipinas pagdating sa active COVID-19 cases. —sa ulat ni Jenny Valencia Burgos (Patrol 29)