Nalugi ang Pilipinas ng sampung bilyong dolyar ($10B) o tinatayang higit limang daang bilyong pisong halaga (p506.1B) mula sa krisis na nauugnay sa klima sa loob ng isang dekada.
Binigyang diin ng Department of Finance (DOF) ang kahinaan ng bansa pagdating sa krisis sa klima kahit pa mayroong ambag na sero punto tatlong porsyento ng greenhouse gas emisyon sa planeta.
Sa datos ng DOF na umabot sa 98.2% ang kabuuang nawala dahil sa climate-related hazard mula 2010 hanggang 2020.
Nakararanas ng higit 20 bagyo ang Pilipinas at araw-araw nakakapagtala ng paglindol.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, may magagawa pa ang bansa upang maiwasan ang matinding epekto ng global warming.—sa panulat ni Joana Luna