Natupok ng apoy ang 20 residential house na pinamamahayan ng nasa 100 indibidwal sa Antipolo City.
Ayon kay Fire Officer 1 Earl Christopher Eubion, naiwang kandila ang pinag-ugatan ng sunog sa Sitio Dalisay C. Lawis Extention.
Umabot ng ikatlong alarma ang nasabing sunog at nasa kabuuang tatlong daan at 45 libong halaga ang tinupok na kagamitan.
Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente at ang mga nasunugan ay nananatili ngayon sa evacuation center.
Habang patuloy ang MOP operation ng mga kawani sa pinangyarihan ng sunog.—sa panulat ni Joana Luna