Muling makatatanggap ng milyun-milyong donasyong bakuna kontra covid-19 ang Pilipinas mula sa Tsina, Japan at Germany.
Sa talk to the people ng Pangulong Duterte, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na nakatanggap ito ng text messages mula sa ambassador ng Tsina na magpapadala ito ng nasa 2 milyong doses ng bakuna sa bansa.
Ani pa ni Galvez, nagpabatid rin ng tulong ang Japan, Germany at patuloy pa ang mga negosasyon sa European Union Countries na nagpapakita rin ng suporta sa laban kontra Covid-19 ng Pilipinas.
Sa kabuuan nasa 2.7 milyon na ang kaso ng Covid-19 infections at pumalo na sa 43,404 naman ang death toll.
Samantala hindi bababa sa 27.4 milyon sa 109 na populasyon ang ganap nang bakunado sa bansa. —sa panulat ni Joana Luna