Pinaghahandaan na ng gobyerno ang pagbibigay ng booster shots kontra COVID-19 sa mga healthcare workers.
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na nagsisimula na silang mag-imbentaryo ng mga healthcare worker na nabakunahan na at maaari nang makakatanggap ng booster shot.
Ani Cabotaje, makakayang mabigyan ng booster shot ang nasa 1.6 na milyong healthcare workers.
Maaari na aniyang ilarga ng gobyerno ang pagbibigay ng booster shot sa oras maaprubahan na ang emergency use authorization ng mga COVID-19 vaccines, gayundin kapag naglabas na ng rekomendasyon hinggil dito ang World Health Organization (WHO). —sa panulat ni Hya Ludivico