Plano ng gobyerno na magdagdag pa ng mga vaccination sites sa bansa.
Ito ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ay para maabot aniya ang target na makapagbakuna ng 1.5 milyong COVID-19 vaccine doses kada araw simula sa Nobyembre 20.
Ani Galvez, para maging posible ito, kailangan na magamit bilang vaccination sites ang mga malls, unibersidad, paaralan, gyms, camps at function halls ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Maliban dito, target din umano ng gobyerno na maging fully vaccinated ang 90% ng mga guro, estudyante at iba pang empleyado sa mga paaralan habang pitumpung porsyento naman sa mga senior citizen.
Dagdag ni Galvez, kailangan din na mabigyan ng booster shots ang mga healthcare worker bago matapos ang buwan. —sa panulat ni Hya Ludivico