Inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na panglima na lamang ang Pilipinas sa may mataas na kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia.
Ito’y matapos ang tuloy-tuloy na pagbaba ng kaso ng virus sa Pilipinas.
Ayon kay Duque, malaki ang naging tulong ng vaccination program lalo na sa Metro Manila na naging sentro ng pagkalat ng virus.
Bukod dito, sinabi rin ni Duque na nasa bansang Thailand, Vietnam at Malaysia na ang may pinakamataas na naitatalang kaso ng COVID-19.
Aniya, isa ito sa dahilan kaya’t maingat sila sa pagpapatupad ng mas maluwag na quarantine restriction at pag-aalis ng mga panuntunan gaya ng pagsusuot ng face shield sa mga matataong lugar sa bansa.