Inihayag ng health department na nasa mahigit 60 milyon na ang naiturok na COVID-19 vaccine simula noong Marso.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nasa 60,406,424 doses ng bakuna ang naiturok na sa bansa.
Naitala naman sa National Capital Region o NCR ang pinakamataas na bilang ng fully vaccinated kung saan nasa mahigit walong milyon o 88% ng kanilang populasyon.
Sinundan naman nito ng Cordillera Administrative Region o CAR na nasa 500K fully vaccinated na indibidwal.
Habang sa inilabas na datos ng national vaccines operation center, nasa 32,656,615 ang naturukan ng first dose habang 27,749,809 vaccine naman sa second dose.