Muling iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi parin pwede ang standing passengers sa mga pampublikong transportasyon.
Kasunod ito ng nauna nilang pahayag na papayagan ang standing passengers sa loob ng bus at modern jeepneys.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, ang tanging papayagan lamang ng kanilang ahensya ay ang naunang rekomendasyon na 70% kapasidad ng mga pasahero.
Magsisimula ang 70% kapasidad ngayong araw Nobyembre a-4. —sa panulat ni Angelica Doctolero