Wala nang curfew sa National Capital Region simula ngayong araw.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos, napagkasunduan ng mga Alkalde na alisin na ang curfew hours na nagsisimula ng alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Gayunman, iiral pa rin aniya ang curfew sa mga menor de edad depende sa ipinatutupad na ordinansa ng lokal na pamahalaan.
Paliwanag ni Abalos malaki ang maitutulong ng naturang hakbang para na rin sa ekonomiya ng bansa.
Inalis umano ang curfew sa Metro Manila upang bigyang-daan ang extended operation hours ng mga mall ngayong papasok na ang Christmas season.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico