Pagpapaigting sa kampanya kontra pagkapanalo ni dating senador Bong Bong Marcos (BBM) sa 2022 National Elections.
Ito ang nakikitang motibo ng kampo ni Marcos sa petisyong inihain sa COMELEC para kanselahin ang kanyang COC sa pagka-Presidente.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, handa na at inaasahan na ng kanilang kampo ang sunod-sunod na pag-atake at maruming pulitika o “gutter politics” habang papalapit ang eleksyon.
Giniit ni Rodriguez na walang makakapigil sa kandidatura ni Marcos lalo pa’t batid nila ang malaking suporta para maging Pangulo ito ng bansa.
Umapela rin ang kampo ni Marcos sa kanilang mga supporters na wag padala sa gutter politics at manatili ang suporta sa dating senador.