Pabor si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. Na gawing mandatory ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Paliwanag ni Galvez, ito ay dahil nahaharap tayo ngayon sa pandemya dahil sa nakakahawang sakit.
Aniya, sinabi ng World Health Organization (WHO) na hindi tayo magiging ligtas kung hindi magiging protektado ang lahat.
Giit ni Galvez kung bakunado ang lahat ay saka pa lamang magkakaroon ng “complete safety and protection” laban sa COVID-19.
Batay sa huling datos ng gobyerno nitong Martes, mayroong 27.7 million individuals na ang fully vaccinated sa bansa habang 32.7 million naman ang nakatanggap na ng first dose. —sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 9), sa panulat ni Airiam Sancho