Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Puerto Princesa Port Expansion Project sa Palawan, kahapon.
Ang naturang proyekto ay inaasahang makakapagbigay serbisyo sa 1,500 international at local vessels call kada taon.
May kakayahan din itong humawak ng 1.7 metriko toneladang cargos at 200k pasahero.
Nagkakahalaga ang proyekto ng higit P300 milyong at nakumpleto ito noong Hulyo 2021.—sa panulat ni Hya Ludivico mula sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos