Umakyat na sa 36 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong 21-palapag na gusali sa Lagos, Nigeria.
Ayon kay Femi Oke-Osanyintolu, General Manager ng Lagos State Emergency Management Agency, 33 lalaki at 3 babae ang kumpirmadong nasawi habang siyam naman ang nakaligtas mula sa gumuhong gusali.
Nangyari ang insidente nitong lunes kung saan nasa 100 manggagawa ang pinangangambahang na-trap at nadaganan ng debris.
Patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad kung ano ang naging sanhi ng pagguho.