Dalawang sundalo ang nasawi habang anim pa ang nasugatan matapos makaengkwentro ng mga militar ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Tiyos, Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental.
Ayon kay sa commander ng 303rd Infantry Brigade na si B/Gen. Inocencio Pasaporte, agad silang rumesponde matapos nilang matanggap ang impormasyon na may presensya ng komunistang grupo sa lugar dahilan para rumesponde din ang mga tauhan ng 62nd infantry battalion.
Nang dumating ang mga otoridad sa lugar ay agad na nagpaulan ng bala ng baril ang mga NPA na ikinasawi at ikinasugat naman ng ilan sa mga militar.
Narekober sa lugar ang ilang backpack at mga kagamitan habang patuloy pang inaalam kung ilan sa mga rebelde ang nasugatan dahil sa marka ng dugo na nakita sa kanilang dinaanan. —sa panulat ni Angelica Doctolero