Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya makikipag tulungan sa isasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa ilalim ng “war on drugs” ng kaniyang administrasyon.
Ayon sa Pangulo, hindi niya tatanggapin at kikilalanin lamang niya ang hurisdiksyon ng ICC kapag nag-freeze o nanigas na ang impiyerno.
Muli pang iginiit ng Pangulo na tanging ang mga pilipino lamang ang maaaring mag-usig o magsakdal sakaniya sa drug death.
Nito lamang buwan ng Setyembre, pormal na pinahintulutan ng icc ang imbestigasyon sa alegasyong crimes against humanity bilang bahagi ng kampanya pangulo laban sa iligal na droga. —sa panulat ni Angelica Doctolero