Inihayag ng OCTA research group na nakabalik na ang National Capital Region o NCR sa dating estado nito bago dumating ang delta variant sa bansa.
Ayon kay Prof. Guido David, bumaba na sa 630 average ang average na bagong kaso ng COVID-19 mula Oktubre 27 hanggang nobyembre 2 kung saan mas mataas nang kaunti sa 627 na kaso kada araw na naitala noong Hulyo 9 hanggang 15.
Samantala, sumadsad naman sa 0.43 ang reproduction number ng Metro Manila kumpara sa naitala na 0.93 nitong Hulyo.
Habang nakapagtala ng 4.45 na average daily attack rate o ADAR sa kada 100k indibidwal sa rehiyon kumpara sa 4.43 na naitala nitong Hulyo.
Base sa tala ng octa, nasa 5,331 na ang kaso ng delta variant sa bansa.