Magpapalabas si Pangulong Duterte ng isang kautusan hinggil sa pagbawi ng prangkisa ng power providers sa lalawigan ng Palawan.
Ayon sa Pangulo, nabigong lutasin ng mga power providers ang rotational power outages sa nasabing lugar kung saan tatlong taon na ang nakalipas nang bantaan niya ang mga ito.
Dagdag pa niya, ang prangkisa ay ipinagkaloob lamang sa kanila at maaaring bawiin ng gobyerno anumang oras.
Matatandaang taon 2018 nang bigyan ni Duterte ang mga power provider ng hanggang katapusan ng taon upang resolbahin ang power shortage na inaabot ng anim hanggang walong oras sa nasabing lalawigan. —sa panulat ni Airiam Sancho