Posible nang maibigay sa susunod na linggo ang pondo para sa fuel subsidy ng mga public utility driver sa ilalim ng pantawid pasada program.
Ito ang pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chief Joel Bolano kung saan inihahanda na nila ang mga pangalan o listahan ng mga operator at drayber na bibigyan ng nasabing subsidiya.
Kasunod ito nang maaprubahan ng gobyerno ang isang bilyong pisong subsidiya bunsod ng sunod-sunod na taas-presyo sa produktong petrolyo.
Sa kabilang banda, sinabi rin ni Bolano na maraming drayber ang sumunod na sa pagtataas ng kapasidad sa 70% at pagtanggal ng mga plastic barriers sa mga pampublikong sasakyan. —sa panulat ni Airiam Sancho