Naniniwala si dating Justice Secretary at Ateneo Law School professor, Atty. Alberto Agra na walang basehan ang petisyong humihiling na kanselahin ang Certificate of Candidacy ni presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos.
Ipinunto ni Agra na malinaw ang nakasaad sa omnibus election code na kwalipikado si Marcos at walang pagkakamali sa pagsusumite nitong COC.
Ayon sa dating kalihim, ibang termino ang nakalagay sa batas o kailangan sentensyado at may final judgment ng pagkakakulong pero hindi naman sentensyado si Marcos sa halip ay hinatulang guilty at pinagmumulta sa kasong tax evasion.
Nilinaw naman ni Agra na bagaman hindi siya abogado ng dating mambabatas, lumilitaw anyang hindi tax-evasion bagkus ay simpleng kabiguang maghain ng Income Tax Return ang kinaharap ng kandidato.—mula sa panulat ni Drew Nacino