Buo na ang system na sinet-up ng Department of Information and Communications Technology o (DICT) na kayang mag-isyu ng vaccination certificates.
Ayon kay Information Undersecretary for Digital Philippines Emmanual Rey Caintic maaari ng gamitin ng mga business establishment at border officers ang mobile verifier application o app ng DICT.
Gagamitin ito bilang pang-scan at verify ng authenticity ng vaxcertph vaccine certificates.
Ani Presidential Spokesman Harry Roque aprubado ng IATF ang rekomendasyong buksan ang digital vaccination certification system para sa domestic use, na dating limitado lamang sa mga outbound migrant workers.
Dagdag pa ni Roque ang DICT system ay kailangan para sa pagtatala, databasing at inokulasyon ng mga impormasyon kaya’t marapat gamitin ng lahat ng lokal na pamahaalaang walang ginagamit na electronic vaccine administration system.
Available ang mobile verifier sa Apple at Google app store platforms.—sa panulat ni Joana Luna