Aprubado ng Department of Health (DOH) ang sapilitang pagbabakuna kontra COVID-19 sa ilang sektor.
Tugon ito ng DOH kaugnay sa hirit ni Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez Junior na gawing mandatory ang COVID-19 vaccinations.
Gayunman, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat munang magkaroon ng batas bago ito gawing requirement.
Ayon Vergeire, last resort lamang ng gobyerno ang nasabing panukala dahil nais nilang makamit ang proteksyon ng populasyon.
May otorisasyon naman anya ang pamahalaan lalo’t kung nakikita nitong hindi makakamit ang herd immunity.
Aabot na sa 64 million ang binakunahan sa bansa kabilang ang 28.7 million na fully vaccinated. —sa panulat ni Drew Nacino