Hinimok ng walong business organization ang mga presidential candidate na ikunsidera ang suspensyon ng oil at electricity taxes at sa halip ay isulong ang targeted assistance para sa ilang partikular na sektor.
Ito’y upang makalikom ng karagdagang pondo ang gobyerno para sa pandemic response nito at suportahan ang economic recovery.
Kabilang sa mga nanawagan ang Makati Business Club, Go Negosyo, Philippine Chamber of Commerce and industry at Philippine Retailers Association.
Ayon sa business groups, dapat magkaroon ng targeted measures ang sinumang susunod na pangulo upang matulungan ang mga sektor at mamamayan g nangangailangan.
Ilan sa mga hakbang na ito pagpapabilis sa economic recovery, partikular ang paglikha ng mas maraming trabaho at pagbibigay ng oil subsidy sa mga public utility vehicle driver at operator. —sa panulat ni Drew Nacino