Nagbabala ang China na posibleng parusahan ang sinumang susuporta sa kalayaan ng Taiwan sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Zhu Fenglian, Spokeswoman ng Special Administrative Regions of Hong Kong and Macau, hindi papayagang pumasok sa mainland ang sinumang “Pro-Taiwan Indepence.”
Hindi rin papayagan ang mga blacklisted person na makipag-ugnayan sa anumang entity o tao man ito o kumpanya sa mainland.
Una nang inihayag nina Taiwanese Premier Su Tseng-Chang, Parliament Speaker You Si-Kun at Foreign Minister Joseph Wu ang kanilang pagsuporta sa kalayaan ng Taiwan.
Ito’y sa kabila ng pagpupumilit ng tsina na sumailalim sa kanilang pamamahala ang nabanggit na isla. —sa panulat ni Drew Nacino