Kinumpirma ng Department of Health na pinag-aaralan na ang isang batas para sa mandatory vaccination sa mga indibidwal na tumatanggi pa ring magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagaman marami nang ginawang paraan at ibinibigay na incentives upang makahikayat ng mas maraming magpapabakuna, mayroon pa ring ayaw magpaturok.
Dito na anya papasok ang mandatory vaccination upang makamit ang proteksyon ng populasyon na kailangan sa bansa o maabot ang herd immunity.
Hindi anya ipatutupad ang mandatory vaccination sa ilang sektor bagkus ay sa mga partikular na sektor na lantad sa face-to-face activities kapag nag-tatrabaho. —mula sa panulat ni Drew Nacino