Ipinag-utos na ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagbabawal sa paglalaro ng mga import na hindi bakunado kontra Covid-19.
Kasabay ito ng ikinakasang Governors Cup sa Ynares Sports Arena, Pasig City, sa November 28.
Ayon kay Marcial, mahigpit na ipatutupad ang quarantine protocols para sa mga pasaherong mula sa “green” o “yellow” list countries sa kabila ng pagluluwag sa alert level 2 ng Metro Manila.
Sa format ng Governors Cup, magkakaroon ng single round eliminations, 8 team sa quarterfinals na may top four placers na bibigyan ng twice-to-beat advantage, best-of-five semis at best-of-seven finals.
Nilinaw naman ni Marcial na tentative pa ang schedule ng torneyo at kailangan pang aprubahan ng board of governors. —sa panulat ni Drew Nacino